(FWA 2025/11/13)The Ministry of Agriculture(MOA) has recently amended regulations regarding mailing pork products to Taiwan. Effective from November 6, 2025, individuals who are non-compliant importers receiving postal packages containing pork products will face a fine of NT$200,000 for the first offense, regardless of whether the violation was intentional or due to negligence. The penalty for a second offense will increase to NT$1,000,000. Additionally, mandatory inspections will be conducted for all incoming travelers at airport carry-on baggage inspection areas; those who refuse inspection will be referred to the Customs Administration, Ministry of Finance for designated checks.
The Animal and Plant Health Inspection Agency (APHIA) reports that since the implementation of the announcement “Suspension of importing pork products by mail from countries (regions) affected by African Swine Fever” on May 20, 2022, although the number of intercepted cases has decreased annually, administrative investigations often ruled out penalties based on claims such as “sent by friends/relatives,” “not purchased by the recipient,” or “recipient does not know the sender,” resulting in the recipient not being deemed the importer. Consequently, only 9 cases (involving 14 items) were penalized. Many legislators have questioned that the “exemption clauses” resulted in a low number of penalties, making it difficult to curb the public’s “luck-pushing” mentality.
To protect domestic pig farming and related industries, the Ministry of Agriculture has amended Point 4 of the “Suspension of importing pork products by mail from countries (regions) affected by African Swine Fever,” deleting the original text that stated: “Recipients who are not importers or whose first import was unintentional shall not be penalized.” Effective immediately, recipients are considered importers, and those violating the announcement will be penalized in accordance with Article 43, Paragraph 8 of the Statute for Prevention and Control of Infectious Animal Disease.
In other words, in the future, regardless of intent or negligence, as long as one is the recipient of pork products imported via mail, they will be penalized. If the recipient is aware of the fact that the item was mailed from abroad before the postal package arrives in Taiwan, they will be identified as the importer.
Pagpapadala ng Produktong Baboy sa Taiwan: Mas Mahigpit na Patakaran at Multang NT$200,000 Simula Nobyembre 6
Binago kamakailan ng Ministry of Agriculture ang mga regulasyon ukol sa pagpapadala ng produktong baboy sa Taiwan. Simula sa Nobyembre 6, 2025, ang mga lumalabag na importer na tatanggap ng mga postal package na naglalaman ng mga produktong baboy ay papatawan ng multang NT$200,000 sa unang paglabag, sinadya man ito o dahil sa kapabayaan. Ang multa para sa ikalawang paglabag ay tataas sa NT$1,000,000. Bukod dito, isasagawa ang mandatoryong inspeksyon para sa lahat ng dumarating na manlalakbay sa airport carry-on baggage inspection areas; ang mga tatanggi sa inspeksyon ay itatalaga sa Customs Administration, Ministry of Finance para sa kaukulang pagsusuri.
Ayon sa ulat ng Animal and Plant Health Inspection Agency (APHIA), mula nang ipatupad ang anunsyo ng “Pagtigil sa pag-import ng mga produktong baboy sa pamamagitan ng koreo mula sa mga bansa (rehiyon) na may African Swine Fever” noong Mayo 20, 2022, bagaman bumababa ang bilang ng mga nahaharang na kaso taon-taon, madalas na inaalis ang parusa matapos ang administratibong imbestigasyon dahil sa mga katwirang tulad ng “ipinadala ng kaibigan/kamag-anak,” “hindi binili ng recipient,” o “hindi kilala ng recipient ang nagpadala,” kaya hindi itinuturing na importer ang tumanggap. Dahil dito, 9 na kaso lamang (na kinasasangkutan ng 14 na aitem) ang naparusahan. Maraming mambabatas ang kumuwestiyon na ang mga “exemption clause” o paglibre sa parusa ay nagresulta sa mababang bilang ng mga kaso, kaya mahirap pigilan ang mentalidad ng publiko na umasa sa suwerte.
Upang maprotektahan ang lokal na industriya ng pagbababoy at mga kaugnay na industriya, binago ng Ministry of Agriculture ang Ika-4 na Punto ng “Pagtigil sa pag-import ng mga produktong baboy sa pamamagitan ng koreo mula sa mga bansa (rehiyon) na may African Swine Fever,” at inalis ang orihinal na teksto na nagsasaad na: “Ang mga recipient na hindi importer o kung ang kanilang unang pag-import ay hindi sinasadya ay hindi parurusahan.” Simula ngayon, ang mga recipient ay ituturing na importer, at ang mga lalabag sa anunsyo ay parurusahan alinsunod sa Artikulo 43, Talata 8 ng Statute for Prevention and Control of Infectious Animal Disease.
Sa madaling salita, sa hinaharap, sinadya man o dahil sa kapabayaan, basta’t ikaw ang recipient o tatanggap ng mga produktong baboy na in-import sa pamamagitan ng koreo, ikaw ay parurusahan. Kung alam ng recipient ang katotohanan na ang aitem ay ipinadala mula sa ibang bansa bago pa dumating ang postal package sa Taiwan, sila ay tutukuyin bilang importer.



