(FWA 2025/12/7)On December 7, civil groups and migrant workers gathered in Taipei for a large-scale rally to demand the government abolish the work-year limit for blue-collar migrant workers. Organized by the Migrant Empowerment Network in Taiwan (MENT), the demonstrators argued that the current cap—generally 12 years for industrial workers and 14 years for caregivers—is a discriminatory policy that forces skilled talent to leave Taiwan, exacerbating the nation’s severe labor shortage.
Since Taiwan formally began recruiting Southeast Asian workers in 1992, the government has viewed them as merely “supplementary labor,” initially setting a two-year limit. However, recognizing that Taiwan must rely on this workforce amidst structural changes—including a declining birth rate, an aging population, a shrinking labor force, and shifting youth employment preferences—the government has gradually extended this limit over the past three decades to the current 12 or 14 years. Despite this reliance, MENT highlights a stark double standard: the employment duration limit for white-collar foreign professionals was completely abolished in 1997. For 28 years, blue-collar workers have faced a systemic barrier that does not apply to their white-collar counterparts, despite performing essential work in construction, manufacturing, and caregiving that sustains Taiwanese society.
The government argues that the “Long-term Retention of Skilled Foreign Workers Program,” launched in April 2022, solves this issue by allowing workers to transition to “Intermediate Skilled Worker” status, which has no time limit. However, advocacy groups criticize this policy as flawed. Statistics show that after three and a half years, only 4.7% of migrant workers have achieved this status. MENT emphasizes that the transition depends entirely on the employer’s discretion, not the worker’s qualifications or rights. This power dynamic leaves workers vulnerable to unreasonable demands and does not effectively solve the talent drain.
Demonstrators urged the Ministry of Labor to recognize that retaining talent requires genuine policy change. Instead of relying on a “patchwork” intermediate-skilled system that benefits only a fraction of the workforce, the government must abolish the work-year limit entirely. This move would not only align with international human rights standards by ending discriminatory practices but also secure a stable, skilled workforce essential for Taiwan’s economic future.
Rali ng mga Migranteng Manggagawa sa Taipei: Panawagang Tanggalin ang Limitasyon sa Taon ng Pagtatrabaho
Noong Disyembre 7, nagtipon ang mga grupong sibilyan at mga migranteng manggagawa sa Taipei para sa isang malaking rali upang hilingin sa pamahalaan na tanggalin ang limitasyon sa taon ng pagtatrabaho para sa mga blue-collar na migranteng manggagawa. Ayon sa Migrant Empowerment Network in Taiwan (MENT), ang kasalukuyang limitasyon—na karaniwang 12 taon para sa mga manggagawa sa pabrika at 14 na taon para sa mga caregiver—ay isang diskriminatoryong patakaran na pumipilit sa mga bihasang manggagawa na umalis sa Taiwan, na nagpapalala sa kakulangan ng lakas-paggawa sa bansa.
Noong 1992, pormal na sinimulang mag-rekrut ng Taiwan ng mga manggagawa mula sa Timog-Silangang Asya bilang “supplementary labor” na may limitadong dalawang taon. Gayunpaman, unti-unting napagtanto ng pamahalaan na kailangang-kailangan ng Taiwan ang lakas-paggawa na ito sa gitna ng mga estruktural na pagbabago—tulad ng pagbaba ng bilang ng ipinapanganak, pagtanda ng populasyon, pagliit ng lakas-paggawa, at pagbabago ng mga hangarin sa trabaho ng kabataan—kaya’t unti-unting pinalawig ang limitasyon sa nakalipas na tatlong dekada hanggang sa kasalukuyang 12 o 14 na taon. Sa kabila nito, binigyang-diin ng MENT ang dobleng pamantayan: ang limitasyon sa haba ng pagtatrabaho para sa mga white-collar na migranteng manggagawa ay inalis noon pang 1997. Sa loob ng 28 taon, humaharap ang mga blue-collar sa hadlang na hindi nararanasan ng mga white-collar.
Ipinapangatwiran ng pamahalaan na ang “Long-term Retention of Skilled Foreign Workers Program,” na inilunsad noong Abril 2022, ay solusyon dito dahil pinapayagan nito ang mga manggagawa na maging “Intermediate-Skilled Workers” na wala nang limitasyon sa panahon. Ngunit, binatikos ng mga grupo ang polisiyang ito bilang depektibo. Sa istatistika, matapos ang tatlo’t kalahating taon, 4.7% lamang ng mga migranteng manggagawa ang naging intermediate-skilled. Iginiit ng MENT na ang pagkuha ng status na ito ay nakasalalay nang lubusan sa kagustuhan ng employer, at hindi sa karapatan ng manggagawa. Dahil dito, nagiging sunud-sunuran ang mga manggagawa sa mga hindi makatarungang kahilingan.
Nanawagan ang mga demonstrador sa Ministry of Labor na kilalanin na ang tunay na pagpapanatili ng kasanayan ay nangangailangan ng tapat na pagbabago sa polisiya. Sa halip na umasa sa isang “panapal” na sistema ng intermediate-skilled na para lamang sa iilan, dapat nang tanggalin ng pamahalaan ang limitasyon sa taon ng pagtatrabaho nang tuluyan. Ang hakbang na ito ay hindi lamang pagwawakas sa diskriminasyon kundi paraan din upang matiyak ang matatag at bihasang lakas-paggawa para sa kinabukasan ng ekonomiya ng Taiwan.



