(FWA 2026/1/19)To support New Immigrant families facing limited childcare resources—such as the need to care for young children, postpartum recovery, or spouses working away from home—the Ministry of the Interior (MOI) has relaxed regulations starting this year. Eligible foreign parents can extend their stay in Taiwan for up to one year.

Conditions for eligibility include: the foreign national must hold a valid visitor visa with a duration of stay of 60 days or more, without a “no extension” stamp or other restrictions. Additionally, their child must “have household registration in Taiwan,” and the family must have a “pregnancy” or be “raising a biological child under 2 years old.” Applicants may apply to extend their stay before the initial 6-month limit expires.

The MOI explains that if the application is based on a daughter’s pregnancy, the applicant must provide a diagnosis certificate issued within the last month stating the weeks of pregnancy and expected delivery date, or a pregnant women’s health handbook issued by the Health Promotion Administration with a prenatal checkup record from a domestic medical institution or physician stamped within the last month.

If the application is based on caring for a grandchild under 2 years old, the applicant must provide the original and a photocopy of the grandchild’s birth certificate, household registration (household certificate), or other documents proving the relationship.

The term “child with household registration in Taiwan” refers to native-born citizens with household registration in the Taiwan area, or those who have been permitted to naturalize under Article 2 of the Nationality Act, have been permitted to settle in the Taiwan area under the Immigration Act, and have registered their household with the household registration office.

This amendment also applies to people from the Mainland China area and residents of Hong Kong or Macau who have settled in the Taiwan area and completed their initial household registration, provided their parents are foreign nationals.

Eligible foreign parents can proactively contact any National Immigration Agency (NIA) service station for inquiries.


Maaaring mapahaba ng mga dayuhang magulang ang pananatili sa Taiwan para sa suporta sa pag-aalaga ng bata

Isinasaalang-alang ang mga pamilya ng mga Bagong Imigrante na nangangailangan ng tulong sa pag-aalaga ng maliliit na anak, pagpapagaling pagkatapos manganak, o dahil nagtatrabaho ang asawa sa malayo, pinaluwag ng Ministry of the Interior (MOI) ang mga patakaran simula ngayong taon. Ang mga kwalipikadong dayuhang magulang ay maaaring mapahaba ang pananatili sa Taiwan nang hanggang isang (1) taon.

Kasama sa mga kondisyon ay: ang dayuhan ay dapat may hawak na valid visa na may tagal ng pananatili na 60 araw o higit pa, na walang tatak na “no extension” o iba pang paghihigpit. Bukod dito, ang kanilang anak ay dapat na “may household registration sa Taiwan,” at mayroong “pagbubuntis” o “nag-aalaga ng tunay na anak na wala pang 2 taong gulang.” Maaaring mag-apply para sa extension bago matapos ang unang 6 na buwang limitasyon.

Ipinaliwanag ng MOI na kung ang aplikasyon ay base sa pagbubuntis ng anak na babae, kailangang magsumite ng medical certificate na inisyu sa loob ng 1 buwan na nagsasaad ng linggo ng pagbubuntis at inaasahang petsa ng panganganak, o ang handbook ng kalusugan ng buntis mula sa Health Promotion Administration na may record ng prenatal checkup sa loob ng 1 buwan.

Kung ang aplikasyon naman ay dahil sa pag-aalaga ng apo na wala pang 2 taong gulang, kailangang magsumite ng orihinal at photocopy ng birth certificate ng apo, household registration (household certificate), o iba pang dokumento na nagpapatunay ng relasyon.

Ang tinutukoy na “anak na may household registration sa Taiwan” ay mga katutubong mamamayan na may rehistro sa Taiwan, o mga na-naturalize sa ilalim ng Nationality Act, na pinahintulutang manirahan sa Taiwan at nagparehistro sa household registration office.

Ang regulasyong ito ay naaangkop din sa mga mamamayan ng Mainland China area at mga residente ng Hong Kong o Macau na nanirahan sa Taiwan area at nakumpleto na ang kanilang initial household registration, kung ang kanilang mga magulang ay mga dayuhan.

Ang mga kwalipikadong dayuhang magulang ay maaaring makipag-ugnayan sa mga service station ng National Immigration Agency (NIA).